Takot ako
Sa salitang simula.
Ayoko
Ng salitang simula.
Dahil may magbabago,
May magtatapos
May mabubuo
Na mistulang gapos.
Hindi ko yata kaya
Ang magsimulang humakbang.
Patungo sa kawalang
Hindi tiyak ang hangganan.
Susulong ba
O uurong?
Ewan ko,
Bahala na.
conversations with myself; talking and listening to my id, ego, superego or whoever (whatever) it is in my head. crazy. a diary; an introvert's journal
Lunes, Setyembre 28, 2015
Poem : Simula
Mga etiketa:
diary,
literatura,
pinoy blog,
Poem,
tula
Huwebes, Setyembre 24, 2015
Spoken Word (If Only I Have The Voice)
Gusto ko sanang sumigaw
Ilabas lahat ng galit
Ng poot
Ng sakit
Ng pighati.
Pero ano nga bang magagawa
Kung sarili kong boses,
Hindi naniniwala sa akin.
Kung ang sarili kong utak,
walang bilib sakin.
Kung ang sarili kong puso,
Ayaw tumibok
para sa akin.
Oo nasasaktan ako
Nahihirapan
Dahil para akong piping
Ang tanging hangad lang ay humiyaw
Pero heto't nakakulong.
Nalulunod.
Unti-unting namamatay
Habang nakatago,
nagtatago
sa kwarto na tanging
Ako lang ang may hawak
Ng susi
Ng kalayaan,
Ng kasarinlan
Ng kapayapaan.
Gusto kong sumigaw.
Kumawala sa hawla
Na ako rin ang may gawa.
Pero hindi ko kaya.
Hindi ko pa kaya
Dahil akoy mahina pa.
Ilabas lahat ng galit
Ng poot
Ng sakit
Ng pighati.
Pero ano nga bang magagawa
Kung sarili kong boses,
Hindi naniniwala sa akin.
Kung ang sarili kong utak,
walang bilib sakin.
Kung ang sarili kong puso,
Ayaw tumibok
para sa akin.
Oo nasasaktan ako
Nahihirapan
Dahil para akong piping
Ang tanging hangad lang ay humiyaw
Pero heto't nakakulong.
Nalulunod.
Unti-unting namamatay
Habang nakatago,
nagtatago
sa kwarto na tanging
Ako lang ang may hawak
Ng susi
Ng kalayaan,
Ng kasarinlan
Ng kapayapaan.
Gusto kong sumigaw.
Kumawala sa hawla
Na ako rin ang may gawa.
Pero hindi ko kaya.
Hindi ko pa kaya
Dahil akoy mahina pa.
Mga etiketa:
diary,
filipino,
journal,
literature,
panitikan,
Poem,
spoken word,
tagalog
Miyerkules, Setyembre 23, 2015
Conversation With Myself : Limitless
Pinanuod ko pilot episode ng Limitless kanina.
Maganda?
Exciting sya actually. Sana lng maganda ung mga
cases na isolve nila sa upcoming episodes.
For sure naman, papanuodin mo yan weekly.
Haha. Syempre. Pero what if may ganun talagang drug
available? Or meron na ba?
Bakit? Gagamit ka?
Haha. Itry ko cguro. Nakakacurious pano magiging epekto
sa utak e. Imagine, I can be the smartest person in the
world once I take it. Masarap lang cguro ung pakiramdam
na in an instant, iba na ung way mo ng pag-iisip, na you can
calculate everything, you can remember and understand everything.
Basta, kaka-amaze lng.
O kung meron man yan, try mo lng once ha. Baka maadik ka.
Hahaha. Baka ikaw ang maadik.
Maganda?
Exciting sya actually. Sana lng maganda ung mga
cases na isolve nila sa upcoming episodes.
For sure naman, papanuodin mo yan weekly.
Haha. Syempre. Pero what if may ganun talagang drug
available? Or meron na ba?
Bakit? Gagamit ka?
Haha. Itry ko cguro. Nakakacurious pano magiging epekto
sa utak e. Imagine, I can be the smartest person in the
world once I take it. Masarap lang cguro ung pakiramdam
na in an instant, iba na ung way mo ng pag-iisip, na you can
calculate everything, you can remember and understand everything.
Basta, kaka-amaze lng.
O kung meron man yan, try mo lng once ha. Baka maadik ka.
Hahaha. Baka ikaw ang maadik.
Mga etiketa:
Conversation,
conversation with myself,
diary,
journal,
limitless,
tv show
Linggo, Setyembre 20, 2015
Conversation With Myself : Heneral Luna
I watched Heneral Luna kanina.
So anong masasabi mo sa movie?
Na sana lahat ng Pilipino or mga leaders natin,
may talino, prinsipyo at tapang na katulad
ng pagka-portray sa movie kay Luna.
Wow.
Iba kasi talaga ung ugali at pagiisip ni Luna e.
Kaya siguro hindi sya makasundo ng iba sa gabinete,
kasi iba ung ugali nya, iba ung vision.
Basta, ramdam mong umaalab ang pagmamahal nya sa bansa.
Naks naman. So idol mo na?
Oo. Haha. Sana, we have that kind of leaders now.
Matapang, sumusunod sa batas, walang pinipili pagdating sa batas,
Mahigpit pero nasa tama ang pamamalakad.
Dahil sa ugali ng karamihan ng mga Pilipino ngayon,
lalo na ng mga pasaway na pulitiko,
Kailangan natin ng pinuno o mga pinuno na magdidisiplina sa
lahat, na hindi marunong bumali sa batas, na sumusunod mismo sa
batas, may sariling pagiisip, may paninindigan, at higit sa lahat,
may plano para sa Pilipinas
Pero reality check, mahirap matagpuan sa Pinas yan.
I know. Kaya nga mas nakakadisappoint e.
Huwebes, Setyembre 17, 2015
Conversation WitH Myself : Time Lapse
Di ka na naman makatulog ano?
Oo.
Dahil jan sa bago mong obsession?
Oo ulit.
Hay nako. Puyat ka kagabi ha, matulog ka na.
Ang hirap itigil ng utak ko magisip ng magisip e.
Andaming ideas pumapasok para sa time lapse.
Ay ndi yan mauubos. Itulog mo na yan.
Oo na. I'll try.
Lunes, Setyembre 14, 2015
Tula : Muli
Hayaan mo na sya.
Pabayaan at iyong kalimutan.
Tingnan mo,
Lumuluha ka na naman.
Tama na.
Itigil mo na.
Maari bang ito'y sapat na,
Para ang ulan ay magsimula nang tumila.
Bukas,
Alam kong mawawala
Ang bakas
Ng iyong panunumpa.
Kaya muli,
Ikaw ay tumahan
Simulan ang bagong tahanang
Matagal mo na sanang sinimulan.
Pabayaan at iyong kalimutan.
Tingnan mo,
Lumuluha ka na naman.
Tama na.
Itigil mo na.
Maari bang ito'y sapat na,
Para ang ulan ay magsimula nang tumila.
Bukas,
Alam kong mawawala
Ang bakas
Ng iyong panunumpa.
Kaya muli,
Ikaw ay tumahan
Simulan ang bagong tahanang
Matagal mo na sanang sinimulan.
Mga etiketa:
diary,
journal,
Literary,
literatura,
literature,
pinoy blog,
Poem,
poetry,
tula
Linggo, Setyembre 13, 2015
Tula : Nais Ko
Nais ko sanang andito ka
Nais ko sanang ika'y makilala
Nais ko sanang tayo'y magkita
Pero wala, ako yata'y nawawala,
Nais ko sanang ika'y masilayan
Nais ko sanang ikay makakwentuhan
Nais ko sanang halakhak mo'y mapakinggan
Pero wala, ako yata'y nawawala.
Nais ko ikaw.
Nais kong sa aki'y tumabi ka
Ikaw lang, wala nang iba.
Pero wala, ako yata'y nawawala.
Hahanapin mo ba ako?
Nais ko sanang ika'y makilala
Nais ko sanang tayo'y magkita
Pero wala, ako yata'y nawawala,
Nais ko sanang ika'y masilayan
Nais ko sanang ikay makakwentuhan
Nais ko sanang halakhak mo'y mapakinggan
Pero wala, ako yata'y nawawala.
Nais ko ikaw.
Nais kong sa aki'y tumabi ka
Ikaw lang, wala nang iba.
Pero wala, ako yata'y nawawala.
Hahanapin mo ba ako?
Mga etiketa:
diary,
Literary,
literatura,
pinoy,
pinoy blog,
tula
Huwebes, Setyembre 10, 2015
Tula : Opresyon
Andami ko gusto sabihin
Pero nananatili akong walng imik.
Andami ko gusto ikwento.
Pero hindi mo naman kasi ako sineseryoso.
Gusto kong sumigaw.
Ihiyaw lahat ng ito.
Pero lahat kinikimkim ko.
Kasi walang kwenta to sayo.
Tulungan mo ako.
Nalulunod na ako.
Gusto ko ng makawala.
Oo, kailan ako lalaya?
Mga etiketa:
diary,
journal,
oppression,
Poem,
tula
Miyerkules, Setyembre 9, 2015
Poem : Don't Know Why
I don't know why,
But I'm quite happy today.
Maybe it's the chocolates.
Or is it you who suddenly left me one day.
I don't know why,
But I feel different today.
It feels like I'm glowing
Or is this a wishful thinking?
I don't know why,
But suddenly, it feels like you're here.
Yeah, I think this is just the sweets talking,
Reminding me that you're really far away.
But I'm quite happy today.
Maybe it's the chocolates.
Or is it you who suddenly left me one day.
I don't know why,
But I feel different today.
It feels like I'm glowing
Or is this a wishful thinking?
I don't know why,
But suddenly, it feels like you're here.
Yeah, I think this is just the sweets talking,
Reminding me that you're really far away.
Mga etiketa:
Conversation,
conversation with myself,
diary,
journal,
Poem
Lunes, Setyembre 7, 2015
Conversation With Myself : Hoodies
Sa wakas, dumating na ung hoodies na inorder ko!
Congrats. Buti ndi ka nscam.
Kaya nga e. At in fairness, kasya sakin.
So happy ka na naman?
Of course. Sobrang takot ko
talaga kasi nung ndi dumating nung last Friday.
Baka kasi scam pala. Nakakahiya ikwento sa
friend ko na bumili din.
Ay nkakahiya nga. Buti kung ikaw lng maloloko.
True. Pero wag n natin isipin yun.
Dumating xa at ang pinakamahalaga,
kasya sakin ung hoodie!!! :)
Congrats. Buti ndi ka nscam.
Kaya nga e. At in fairness, kasya sakin.
So happy ka na naman?
Of course. Sobrang takot ko
talaga kasi nung ndi dumating nung last Friday.
Baka kasi scam pala. Nakakahiya ikwento sa
friend ko na bumili din.
Ay nkakahiya nga. Buti kung ikaw lng maloloko.
True. Pero wag n natin isipin yun.
Dumating xa at ang pinakamahalaga,
kasya sakin ung hoodie!!! :)
Mga etiketa:
Conversation,
conversation with myself,
diary,
journal
Huwebes, Setyembre 3, 2015
Conversation With Myself : Workout
May binili akong bagong pang workout.
Magamit mo kaya ng matagal? Haha.
Tingnan ntin. Excited akong gamitin.
Pero syempre, baka sa simula lng ito.
I know right!
Pero ang dami pde gawin dun sa equipment. So baka
ndi nakakasawa.
Sana talaga hindi ka magsawa agad.
Hanggang ngayon, ginagamit ko pa din kaya ung hulahoop.
So baka ito din, matagal kong mapapakinabangan.
Sipagan mo magwork out ha. Nataba ka na naman.
Opo. Ang takaw mo kasi.
Magamit mo kaya ng matagal? Haha.
Tingnan ntin. Excited akong gamitin.
Pero syempre, baka sa simula lng ito.
I know right!
Pero ang dami pde gawin dun sa equipment. So baka
ndi nakakasawa.
Sana talaga hindi ka magsawa agad.
Hanggang ngayon, ginagamit ko pa din kaya ung hulahoop.
So baka ito din, matagal kong mapapakinabangan.
Sipagan mo magwork out ha. Nataba ka na naman.
Opo. Ang takaw mo kasi.
Mga etiketa:
Conversation,
conversation with myself,
diary,
exercise,
journal,
pinoy,
pinoy blog,
workout
Martes, Setyembre 1, 2015
Conversation With Myself : In Pain
Grabe ang sakit ng katawan ko.
Okay lang yan. Maganda naman narating natin
nung Monday.
Onga e. Astig ung Buntot Palos Falls no?
Oo. Nakakamangha si Lord tlaga.
Sarap sanang balikan. Kaso ang hirap
ng trekking.
Okay na ang puntahan sya once. Baka hindi
ko na rin kayanin pag umulit ka pa.
Kaya nga.
Okay lang yan. Maganda naman narating natin
nung Monday.
Onga e. Astig ung Buntot Palos Falls no?
Oo. Nakakamangha si Lord tlaga.
Sarap sanang balikan. Kaso ang hirap
ng trekking.
Okay na ang puntahan sya once. Baka hindi
ko na rin kayanin pag umulit ka pa.
Kaya nga.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)