Lunes, Setyembre 28, 2015

Poem : Simula

Takot ako
Sa salitang simula.
Ayoko
Ng salitang simula.
Dahil may magbabago,
May magtatapos
May mabubuo
Na mistulang gapos.
Hindi ko yata kaya
Ang magsimulang humakbang.
Patungo sa kawalang
Hindi tiyak ang hangganan.
Susulong ba
O uurong?
Ewan ko,
Bahala na.

Huwebes, Setyembre 24, 2015

Spoken Word (If Only I Have The Voice)

Gusto ko sanang sumigaw
Ilabas lahat ng galit
Ng poot
Ng sakit
Ng pighati.
Pero ano nga bang magagawa
Kung sarili kong boses,
Hindi naniniwala sa akin.
Kung ang sarili kong utak,
walang bilib sakin.
Kung ang sarili kong puso,
Ayaw tumibok
para sa akin.
Oo nasasaktan ako
Nahihirapan
Dahil para akong piping
Ang tanging hangad lang ay humiyaw
Pero heto't nakakulong.
Nalulunod.
Unti-unting namamatay
Habang nakatago,
nagtatago
sa kwarto na tanging
Ako lang ang may hawak
Ng susi
Ng kalayaan,
Ng kasarinlan
Ng kapayapaan.
Gusto kong sumigaw.
Kumawala sa hawla
Na ako rin ang may gawa.
Pero hindi ko kaya.
Hindi ko pa kaya
Dahil akoy mahina pa.

Miyerkules, Setyembre 23, 2015

Conversation With Myself : Limitless

Pinanuod ko pilot episode ng Limitless kanina.

Maganda? 

Exciting sya actually. Sana lng maganda ung mga
cases na isolve nila sa upcoming episodes.

For sure naman, papanuodin mo yan weekly. 

Haha. Syempre. Pero what if may ganun talagang drug
available? Or meron na ba?

Bakit? Gagamit ka? 

Haha. Itry ko cguro. Nakakacurious pano magiging epekto
sa utak e. Imagine, I can be the smartest person in the
world once I take it. Masarap lang cguro ung pakiramdam
na in an instant, iba na ung way mo ng pag-iisip, na you can
calculate everything, you can remember and understand everything.
Basta, kaka-amaze lng.

O kung meron man yan, try mo lng once ha. Baka maadik ka. 

Hahaha. Baka ikaw ang maadik.

Linggo, Setyembre 20, 2015

Conversation With Myself : Heneral Luna

I watched Heneral Luna kanina.

So anong masasabi mo sa movie? 

Na sana lahat ng Pilipino or mga leaders natin, 
may talino, prinsipyo at tapang na katulad 
ng pagka-portray sa movie kay Luna. 

Wow.

Iba kasi talaga ung ugali at pagiisip ni Luna e. 
Kaya siguro hindi sya makasundo ng iba sa gabinete, 
kasi iba ung ugali nya, iba ung vision. 
Basta, ramdam mong umaalab ang pagmamahal nya sa bansa. 

Naks naman. So idol mo na? 

Oo. Haha. Sana, we have that kind of leaders now. 
Matapang, sumusunod sa batas, walang pinipili pagdating sa batas, 
Mahigpit pero nasa tama ang pamamalakad. 
Dahil sa ugali ng karamihan ng mga Pilipino ngayon, 
lalo na ng mga pasaway na pulitiko, 
Kailangan natin ng pinuno o mga pinuno na magdidisiplina sa
lahat, na hindi marunong bumali sa batas, na sumusunod mismo sa
batas, may sariling pagiisip, may paninindigan, at higit sa lahat,
may plano para sa Pilipinas

Pero reality check, mahirap matagpuan sa Pinas yan. 

I know. Kaya nga mas nakakadisappoint e.

Huwebes, Setyembre 17, 2015

Conversation WitH Myself : Time Lapse

Di ka na naman makatulog ano? 

Oo. 

Dahil jan sa bago mong obsession? 

Oo ulit. 

Hay nako. Puyat ka kagabi ha, matulog ka na. 

Ang hirap itigil ng utak ko magisip ng magisip e. 
Andaming ideas pumapasok para sa time lapse. 

Ay ndi yan mauubos. Itulog mo na yan.

Oo na. I'll try. 

Lunes, Setyembre 14, 2015

Tula : Muli

Hayaan mo na sya.
Pabayaan at iyong kalimutan.
Tingnan mo,
Lumuluha ka na naman.

Tama na.
Itigil mo na.
Maari bang ito'y sapat na,
Para ang ulan ay magsimula nang tumila.

Bukas,
Alam kong mawawala
Ang bakas
Ng iyong panunumpa.

Kaya muli,
Ikaw ay tumahan
Simulan ang bagong tahanang
Matagal mo na sanang sinimulan.


Linggo, Setyembre 13, 2015

Tula : Nais Ko

Nais ko sanang andito ka
Nais ko sanang ika'y makilala
Nais ko sanang tayo'y magkita
Pero wala, ako yata'y nawawala,
Nais ko sanang ika'y masilayan
Nais ko sanang ikay makakwentuhan
Nais ko sanang halakhak mo'y mapakinggan
Pero wala, ako yata'y nawawala.
Nais ko ikaw.
Nais kong sa aki'y tumabi ka
Ikaw lang, wala nang iba.
Pero wala, ako yata'y nawawala.

Hahanapin mo ba ako?


Huwebes, Setyembre 10, 2015

Tula : Opresyon

Andami ko gusto sabihin
Pero nananatili akong walng imik.
Andami ko gusto ikwento.
Pero hindi mo naman kasi ako sineseryoso.
Gusto kong sumigaw. 
Ihiyaw lahat ng ito. 
Pero lahat kinikimkim ko. 
Kasi walang kwenta to sayo. 
Tulungan mo ako. 
Nalulunod na ako. 
Gusto ko ng makawala.
Oo, kailan ako lalaya? 

Miyerkules, Setyembre 9, 2015

Poem : Don't Know Why

I don't know why,
But I'm quite happy today.
Maybe it's the chocolates.
Or is it you who suddenly left me one day.
I don't know why,
But I feel different today.
It feels like I'm glowing
Or is this a wishful thinking?
I don't know why,
But suddenly, it feels like you're here.
Yeah, I think this is just the sweets talking,
Reminding me that you're really far away.




Lunes, Setyembre 7, 2015

Conversation With Myself : Hoodies

Sa wakas, dumating na ung hoodies na inorder ko!

Congrats. Buti ndi ka nscam. 

Kaya nga e. At in fairness, kasya sakin.

So happy ka na naman? 

Of course. Sobrang takot ko
talaga kasi nung ndi dumating nung last Friday.
Baka kasi scam pala. Nakakahiya ikwento sa
friend ko na bumili din.

Ay nkakahiya nga. Buti kung ikaw lng maloloko. 

True. Pero wag n natin isipin yun.
Dumating xa at ang pinakamahalaga,
kasya sakin ung hoodie!!! :)

Huwebes, Setyembre 3, 2015

Conversation With Myself : Workout

May binili akong bagong pang workout.

Magamit mo kaya ng matagal? Haha.

Tingnan ntin. Excited akong gamitin.
Pero syempre, baka sa simula lng ito.

I know right! 

Pero ang dami pde gawin dun sa equipment. So baka
ndi nakakasawa.

Sana talaga hindi ka magsawa agad. 

Hanggang ngayon, ginagamit ko pa din kaya ung hulahoop.
So baka ito din, matagal kong mapapakinabangan.

Sipagan mo magwork out ha. Nataba ka na naman. 

Opo. Ang takaw mo kasi.

Martes, Setyembre 1, 2015

Conversation With Myself : In Pain

Grabe ang sakit ng katawan ko.

Okay lang yan. Maganda naman narating natin
nung Monday. 

Onga e. Astig ung Buntot Palos Falls no?

Oo. Nakakamangha si Lord tlaga. 

Sarap sanang balikan. Kaso ang hirap
ng trekking.

Okay na ang puntahan sya once. Baka hindi 
ko na rin kayanin pag umulit ka pa. 

Kaya nga.

Linggo, Agosto 30, 2015

Conversation With Myself : Early Bird

Maaga pa ko tom kaya dapat sleeping 
na ako now e. 

O edi matulog ka na.. 

Eh diba nga, hirap ako matulog..
11 pm pa nga ako ready magsleep e. 

Pilitin mo sarili mo matulog.
Mahirapan ka pa magising tomorrow 
nyan. 

Kaya nga e. Excited ako tomorrow. 
Sana maganda mapuntahan namin na falls sa
Laguna. 

Ako din excited na. Kaya matulog ka na. 

Huwebes, Agosto 27, 2015

A Very Short Story : Tulay

Nakita ko sya, nakadipa ang mga kamay
na parang isang ibong payapang lumilipad.
Nilapitan ko siya.

"Hello," kalmado kong sinambit.

"Hi," kabado niyang sagot na waring nagtataka kung bakit
ako lumapit sa kanya.

"Kamusta?" tanong ko.

"Okay lang," sagot niya

"Gusto mo ng kausap?" tinanong ko siya.

Hindi siya makasagot. Waring nag-iisip.
"Ayaw. Ewan. Hindi ko alam," imik niya.

"Halika," sabi ko pagkatapos kong humakbang
isang beses papalapit sa kanya.

"Saan?" tugon niya.

"Kahit saan. Basta malayo dito.
Yung ikaw at ako lang. Maguusap.
Hindi kita kilala. Pero makikinig ako.
Kahit ano pa yan. Kahit abutin tayo ng buong
magdamag."

Hindi siya umiimik.

Dahan-dahan, humakbang akong muli
papalapit sa kanya. Nilapit ang aking isang kamay
sa kanya. "O ano, tara na?"








Miyerkules, Agosto 26, 2015

Tula : Oo, Sayo!

Oo. Galit ako sayo.
Pero hindi mo alam,
Kasi ayaw kong ipaalam
Dahil ayaw kitang masaktan.

Oo. Galit na galit ako sayo.
Kasi nung panahon na kelangan kita,
wala ka.
Kinampihan mo sya.

Oo. Galit na galit na galit ako sayo.
Hindi ko alam kung mailalabas ko pa to
Dapat, pero ayaw ko.
Dahil ayaw kong may magbago.

Oo. Sayo. Galit ako sayo.
Dahil hanggang ngayon,
ang sakit pa rin sa loob ko.
Pero okay na to.
Ung parang okay lang ang lahat sayo.

Martes, Agosto 25, 2015

Conversation With Myself : Blocked

Okay. I'm excited for a business venture I'm having
with my friend.

Naks. Negosyante.

Hihi. Sana magbloom ito.
Para hindi naman lugi hehe..

Kaya nyo yan.

Sana makisama din ang Instagram.
Konti pa followers e. Tapos 2 times
na nablock kanina.

Ayan, excited kasi ata sa pagpopost at add ng
followers.

Mejo. Hihi.


Linggo, Agosto 23, 2015

Conversation With Myself : Inside Out

Nagwatch ako Inside Out kanina.
Ang ganda, ang galing ng concept.
Naiyak ako actually.

Awww. So ano mga takeaway mo 
sa movie? 

Madami. Every emotion plays a big
part sa life natin. Kahit ung sa tingin mo
negative emotions na dapat iwasan,
like sadness, you still need it.
Dahil sa buhay, ndi naman pdeng puro
saya lang tlga. There will always be
some down moments. khit ano pang pilit
ni Joy to make one's life happy,
sometimes, Sadness has to reign over din.
Kelangan lng, one knows how to handle it well,
how to seek comfort from people or things
you love para in the end, you will be able to
get through sadness with a happy heart.
Ung ndi ka malulugmok sa depression or hatred
or any other negative feelings and thinkings that
will make your life way worse.

Naks, tindi ng mga epiphanies natin sa movie na 
yan ha. 

Kaya nga e. Favorite animated movie for 2015 by far.
Hihi.

Biyernes, Agosto 21, 2015

Conversation With Myself: Drunk

Nag-inom ako kanina, Haha.

O alam ko na kung bakit nakakatawa. 
Feeling mo nalasing ka sa kakaunting alak na 
ininom mo ano? 

Oo haha. Sumakit ulo ko. 1/5 nung Red Horse
na malaki?

Alam ko kung gano kaunti yun. 
Wag mo nang i-explain.

Hanggang ngaun, parang ang sakit pa din ng
ulo ko. Alam mo, ndi sanay uminom.
O baka dahil antok lang ako.

O sya, matulog ka na nang mawala na yang tama mo, kuno.
Galing mo nagdrive ka pa after. 
Buti nakauwi ka nang ligtas kanina.

Haha.


Miyerkules, Agosto 19, 2015

Conversation With Myself : All Of Me

Nawatch ko ung trailer ng All Of Me teleserye ni JM.

Maganda? 

Interesting sya actually.

So iwawatch mo? 

Depende sa kabusyhan ko. Ung OTWOL
pa nga lang, hirap na ako habulin.

Laki ng problema mo teh. 

Haha. Sorry naman.
Oxa, antok na ako. Late na ko
natapos sa work kasi puro break time ako
kanina. Nagdinner din kasi sa labas ang family.

Wow. Sana naman makatulog ka agad. 

Sana nga.

Martes, Agosto 18, 2015

Conversation With Myself : Generosity

Mejo nainis ako kanina.

Bakit? 

Eh minsan kasi, sa sobrang pagiging generous ng
isang tao, naabuso na sya. Nakakainis lang din
ung mga tao na sobra namang makahingi. Akala
mo kung sinong kamag-anak sila.
Haaay nakakabadtrip lang.

Hayaan mo na.  Iblessed naman ni Lord ang mga taong
ganyan ka-generous. 

Oo nga. Ano pa bang mangyayari. Kakapit ka na lng
din sa biyaya ng Diyos na sa lahat ng kabutihan na ginawa,
may mabuti ring babalik sa iyo.

O sya wag ka na mainis. Hindi ka na naman makakatulog nyan. 

Hay sa dami ng galit ko sa society, sasama pa to.

Lunes, Agosto 17, 2015

Conversation With Myself : One More Chance

Shocks! Ang hirap makatulog.

Bakit na naman? 

Kasi naexcite ako sa sequel ng One More Chance.

Ay patay tayo jan. 

Nakakainis. Three times ko na napanuod ung teaser.
Grabe, nakakaexcite tlaga.

Oo na. Ikaw na excited. 

Iniisip ko nung una, ndi na kelangan ng One More
Chance ng sequel. okay na e. Pero nung napanuod ko
ung teaser, shet, naintriga ako. Haaay, kelan kaya
ipapalabas un?

Malapit na yan. Wag ka magalala. kaya matulog ka na.

Oo na. Cge na. Itutulog ko na to.

Sabado, Agosto 15, 2015

Conversation With Myself : OTWOL

Antok na ako. 

Tulog na. 

Eh lumalaban n naman ang utak ko e. 

Ano na naman iniisip? 

Iba-iba. Minsan tungkol sa kinabukasan, 
ung iba walang kwenta. 

Sabihin mo sa antok mo, 
labanan din ang utak mo. Wala
naman palang kwenta mga iniisip, 
ayaw pa papanaluhin ang antok mo. 

Ay nakakaexcite pala ang OTWOL. 

Wow, makarandom ka naman jan ng topic. 

Kakawatch ko lng kasi kanina ng episode 
for friday. 

O anong ganap? 

Basta, ikakasal na sila next week. Hihi. 

Sus, yang kilig na yan, baka lumaban din yan sa antok mo 
ha.. Lalo ka na ndi makatulog.

Hindi ko na nga maxado iniisip ung OTWOL e. Para iwas 
kilig. 

Mabuti naman. 



Biyernes, Agosto 14, 2015

Conversation With Myself: Almost

Grabe kanina, muntik na akong umiyak.

Alam ko. Buti napigilan pa natin kahit papano.
Actually, umiiyak ka na e. Napigilan mo lang
ang sarili mo humagulhol. Pero ramdam kita kanina. 

Kaya nga e. Salamat sa pagpigil.
Ayaw kong umiyak sa harap nila.
Pero alam mo ang struggle ko
pag kasama sila. Ang hirap. Yung mahal mo
pero may tampo/galit/hinanakit ka sa kanila.
Na hindi nila alam. At dahil ayaw mo
silang masaktan pag sinabi mo,
kikimkimin mo na lang. Kahit ikaw na
lang ang araw araw na nasasaktan
pag nakikita mo sila. Kasi sa tuwing nakikita mo
sila, ung sakit ung naalala mo, un lang ung nararamdaman mo.

Sige, ilabas mo yan.. Kahit dito na lang muna. 
Pero sana, may isang araw, isang tamang panahon 
na darating kung saan masasabi mo nang lahat. 
Kasi ayoko pag ganyan ka. Ayoko pag nasasaktan ka. 

Hay. Ewan ko. Minsan iniisip ko na ibaon na lng to
sa libingan. Dahil hindi ko talaga alam ang mangyayari
pag sinabi ko to sa kanila. Dahil ayaw ko silang
masaktan dahil sakin,

May tamang panahon para sa lahat. Hintayin natin.


Huwebes, Agosto 13, 2015

Conversation With Myself : Business Opportunity

Sana matuloy ung business plans namin nung friend ko. 

Oh sana naman nga. 

Haaay, kung marami lang akong pang-kapital, andami ko
na siguro business ngayon.

I know right! Punong-puno kaya ang utak 
mo ng mga business ideas. 

Kaya nga e. 

Minsan, napupuyat ka pa sa sobrang pag-iimagine ng 
mga potential businesses mo. 

Haha. Sorry alam ko inis ka pag todo na naman ako 
maka-imagine tapos napupuyat ka. Pero ang saya e.
Lalo na pag nagiisip ng business names. 

I know right! Active na active utak mo pag ganun, tapos ako, 
pagod na pagod.. 

Sorry nman. Hayaan mo, pag natuloy ang business plans, 
ililibre kita.

Tse! Ikaw lang din makikinabang sa libre na yan! 

Haha. 

Miyerkules, Agosto 12, 2015

Conversation With Myself : On The Wings Of Love

Haay, sa wakas, napanuod ko na din
ung first two episodes ng
On The Wings of Love nina James
Reid at Nadine Lustre.

Kilig ka? 

Konti. Hihi. Lalo dun sa first time nila
magmeet sa San Francisco.
Pero besides kilig, ang tumatak sa akin ay
yung phrase na "mapagpalayang pag-ibig."
The best yun kasi yun ata ang isa sa mga
pinakadakilang uri ng pagmamahal.

Naks. Me mga ganyan kang mga linya ha.

Ang ganda e. Ang sarap sa tenga pakinggan.
Ang gandang parirala. Basta, ang ganda.

Eh di ikaw na ang gandang-ganda sa 
"mapagpalayang pag-ibig." 

Tapos meron pa, ung line na
"Kung mahal ka, babalikan ka."

Ay grabe, in love ka ba? Bkit puro ka ganyan? 

Syempre ndi ako in love. Malungkot ako.
Mag-isa. At nagdadrama. Pero ngayong gabi lang to.
Alam mo naman tayo, bukas, happy na ulit.

Sus, happy daw. Nagkukunwari ka lang e. 

Eh di ba, sabi nila, happiness is a choice.
So im choosing to be happy.

Go. Sabi mo e. push mo yan. 



Martes, Agosto 11, 2015

Conversation With Myself : Banco De Oro

Sira work schedule ko kanina. Huhu.

Oo nga. Less than 5 hours lng ang na-work mo e. 

Kaya nga e. Kasi ang dami kong errands kanina,
napagod ang lola mo.

Pagod na pagod. 3 hours kaya ung nap mo after. 

Sa lahat ng errands ko kanina, pinaka-hate ko
ang pagpila sa BDO. Leche. Magdedeposit
lang ako, a transaction na 1-2 mins, tapos na.
Pero ung pagpila mo, aabutin ng forever.

Chillax ka lang. Wag magalit sa BDO.

Hay nako. Namumuro na sa akin ang Banco De Oro
na yan. Kaya nakakatamad magdeposit sa account ko
minsan e. Kasi wagas muna ang pangangalay mo,
nakatayo ng matagal, bago makapagdeposit mismo.
Ipapaclose ko na ung account ko. Konti na lang talaga.

Grabe naman. Ipapa-close agad. 

Seryoso ako. Buti sana kung may paupuan man lang ang BDO na yan e.
Kaso wala.. Nakatayo ka forever!

O sya. Tama na ang galit na yan. Baka 
hindi ka na naman makatulog. Antok na ko. 

Sumosobra na kasi tlga sila. Ang bagal ng serbisyo.
Pero rerelax na ako. Baka ikaw naman magalit sakin e.

Tama. Tulog na tayo. 

Lunes, Agosto 10, 2015

Conversation With Myself : Booked!

Naeexcite ako sa mga upcoming travels ko. Kaya
ang hirap na naman matulog. May nabook ako bagong
trip kanina.

Hay nako. Anlalayo pa naman ng mga schedule 
kaya nung mga trips mo. Itulog mo muna yan. 

Ang nega mo naman.

Gusto ko na kasi matulog. O diba, ang dami 
mo pa errands tomorrow?

Oo nga e. Kaso nga, ndi pa rin ako makatulog agad.
Puyat na naman.

Ipikit mo lng ang mata mo at wag maxado 
patakbuhin ang utak mo. Relax nang makatulog na. 
Mag-iisip ka na naman ng mag-iisip. 

Wow. Parang galit ka na.

Hindi naman. Pagod lang. Sakit sa mata 
ang matagal nakaharap sa computer talaga. 

Sorry na. Sige. Tutulog na ako. I'll try tlaga.

Go. Tama na ang pag-a-Ipad. 

Linggo, Agosto 9, 2015

Conversation With Myself : Shake Shake Fries

Gusto ko na matulog..

Ako din. 

Sorry ha. Active na active pa utak ko.
Dahil ata sa coke float na inorder ko kanina.

Malamang. Sugar rush na naman yan.

Pasensya na nga.. Ung isang friend ko kasi,
biglaan nagyaya mag shake shake fries daw
sa Mcdo.

Okay lng yun. Nabusog naman tayo e. 

Oo nga. Pero kasi, dapat matulog na ako
para maaga gising tomorrow. Madami pa
errands to do.

O sya.. Pilitin mo na matulog. 

Ang hirap....

Bilang ka ng sheep.

Not effective.

Hay bahala ka na nga. Matulog na! 

Try ko po.

Sabado, Agosto 8, 2015

Conversation With Myself : Remedy

Ui congrats ha. Natapos mo lahat ng work tasks mo
for this week. 

Salamat. hihi. Sipag ko noh?

Minsan, tinotopak ka din ng kasipagan eh. 
Good job. 

Syempre. Alam mo na, ganyan pag depress,
pag you feel alone, you focus on work na lang.

Ay magdadrama na naman? 

Hindi naman. Ayokong naapektuhan ka, kaya
happy lang dapat.

Pero kung malungkot ka, sige lang, ishare mo. 

Hindi okay na ako. May nakita akong hugot
quote from Anne Frank. Sapul na naman tayo e.
Kaya pala these days, lagi kong gusto ng adventure.
Kaso wala naman ako maisama.
So focus na lng tlga sa work.

Ano ba yung quote?

From Anne Frank:
“The best remedy for those who are afraid,

 lonely or unhappy is to go outside,

 somewhere where they can be quiet, alone

 with the heavens, nature and God.

 Because only then does one feel that all 

is as it should be.”


Ay sapul nga. 

Biyernes, Agosto 7, 2015

Conversation With Myself : Worried

Hindi nagrereply ung friend ko.

Bakit? Ano bang tinext mo? 

I was asking her what's wrong. Kasi may
hugot post siya sa IG nya e.

Baka naman basta naisipan lang ipost. 
Walang dahilan. Ganun. 

Hindi. Kilala ko yun.
Hindi yun basta-basta nagpopost sa Instagram
o sa kahit anong social media site.

Ay baka may something nga.

Kaya nga nagwoworry ako.
I hope she's fine. Buntis pa man din un
at malapit ng manganak.

Okay lang sya. Ramdam ko, iiwasan nyang mastress
for her baby. So relax ka lang. 

Sana, sana talaga okay lang sya.
Baka kasi nalulungkot.
Pero sana hindi. I hope she's happy.

Sana. 

Huwebes, Agosto 6, 2015

Conversation With Myself : Progress

Wow. Maaga ata tayo natapos sa mga tasks natid today ah? 

Oo nga e. Or dahil maaga lng akong nagising?

Mas productive kasi talaga pag maaga bumabangon.

I know. Biruin mo, ung 12 noon na regular gising ko,
11 am kanina.

Wow! Congrats ha. Achievement? 

Slight. Haha. Oi wag ka, umaabante na ako dun sa
online course ko.

Wow ulit for progress. Keep it up, teh! 

Sana talaga, matapos ko eto. From Week 0 ng course,
Week 1 na ako. Haha.

Kaloka. Kung makaabante ka, akala mo naman, madami 
na talaga nagawa.  Week 0 to Week 1 k pa lang pala. 

Oo. Tapos ung Project 0, ndi ko pa
nasisimulan.

Tapos proud ka na nyan? 

Mejo. Kasi, natapos ko iwatch ung lecture na almost an hour long,
and narealize ko, naenjoy ko sya panuodin. At parang
naexcite pa ako to learn more.

Ay good sign yan. Mukhang magkaka-progress ka nga 
dyan. 

I know right. Fingers crossed.


Miyerkules, Agosto 5, 2015

Conversation With Myself : Athazagoraphobia

I learned a new word today.

Ano yun? 

Athazagoraphobia

Wow. Anong meaning nyan? 

"the fear of being forgotten, ignored, or replaced" daw. 

Oh. So tagos na naman sa puso 
nung nalaman mo ung meaning ng word, ano? 

Oo. Alam mo naman, isa yan sa mga takot ko sa buhay.
Pero more than being forgotten,ang ayaw ko lang naman talaga
ay yung feeling na ma-ignore.

Dahil ayaw mo ng rejection? 

Oo. Dahil takot ako sa pakiramdam
ng narereject, Ang sakit, teh.

Alam ko. Dahil lahat ng sakit, tinatago
mo lang sakin. Hindi mo nilalabas.

Kasi mas okay na ikaw lang nakakaalam.
Ayokong malaman ng ibang tao, kasi
baka ma-ignore lang ako, ma-reject.
Pano kung wala naman silang pakialam sakin?
Eh di mas nasaktan pa ako?

Okay. So ang sakit, sa atin lang. 
Pag happiness, ishare sa iba. 

For now, ganun muna. Okay ka pa naman, diba?

Siguro. Okay pa ata. 

Martes, Agosto 4, 2015

Conversation With Myself : Shopping

Ui, good mood ah.

Oo. Kasi sa wakas, na-ship na daw ung items na
binili ko sa abs-cbn store.

Ano na naman yang shopping na yan? 

Wala naman, Forevermore DVDs lng at ung One More
Chance novel. Hihi

Gastos na naman.

Eh sabi kaya, "never be sorry for spending money on
things you love."

Palusot ka pa..

Pero sure na, unti-unti na lng ang shopping ngayon..
Tipid mode na para makaipon.

Dapat lang. Dami mong gastos lately.

Wala naman masyado. At minsan lang ako lumabas ng
bahay diba? 

Oo na sige na, ipagtanggol ang tipid mong lifestyle.

Sadya. Proud kaya ako dun. Pero me ititipid pa un e.

O eh di simulan mo na ang mas matipid na lifestyle.

Soon.

Lunes, Agosto 3, 2015

Conversation With Myself : Overtime

Wow ha, ang dami mong work kanina. 
Super proud ako sayo.

Ako din, proud. 9 hours na nawowork ko for this week,
Hihi. first time, overtime,

Magandang simula sa week yan. 
Idiretso mo na hanggang Friday ha. 

Yan plano. Basta wag kokontrahin ng katamaran.

Please, wag nga, 

Pero naiinis ako.. Walang usad ung online course ko.

Kahit unti-untiin mo lng un. 
Basta wag mong susukuan. 

Try ko. Andami-dami kasing goals e. Hindi
kasya sa isang araw lahat,

Hindi nga. Meron ka pang isang secret goal this year, di ba? 

I know. Bahala na. Basta, dapat kahit isa, may isa akong
goal na ma-achieve this year.

Good luck. 


Sabado, Agosto 1, 2015

Conversation With Myself : Goodbye

Naiyak ka kanina ah..

Oo. Grabe kasi ung NingNing. Nagwatch ako sa iWanTV
kanina.

Bakit? Madrama ba? 

Oo. Pero ang totoo kasi, ung episode nila nung
last Friday, mostly about goodbye.. Eh alam mo naman
kahinaan ko ang mga goodbye scenes, tapos may bata pa na
involved.

I know. Kung kayang iwasan mag-goodbye sa isang tao, 
alam ko gagawin mo yun. 

Kaya nga. I really can't handle mga goodbye scenes sa
mga movies man, tv shows or sa personal na buhay. I think dun ako
most vulnerable. And you know me, I don't like showing
people my vulnerability.

Sorry naman daw, sabi ni NingNing, kung pinaiyak ka nya. 

Pero maganda ung tv series. Enjoy ako, so far.



Biyernes, Hulyo 31, 2015

Conversation With Myself : Blue Moon

Akala ko makakita talaga ako ng blue moon tonight.

Hindi ba? 

Hindi color blue ung moon. Haha. Pero blue moon
ung tawag sa phenomenon kasi very rare daw na magappear
twice ang buwan as full moon sa isang buwan. 

Naks. Nagbabasa ha?

Hindi ko binasa yun. Inexplain lng nung friend ko. Ndi ko sure 
kung tama intindi ko. haha. 

Eh kamusta nman ang blue moon experience? 

Okay lang. May isa akong matinong shot ng moon. Tapos 
kasama ko friends ko. Sabi nila, kung sino daw kasama 
mo under the blue moon, makakasama na habang buhay.

Ahh. So sila na ang kasama mo habang buhay. 

Siguro. Well, I know they will be my friends forever naman. 
Alam mo na, konti lang ang friends ko. Papakawalan ko 
pa ba? 

Sabagay. 

Oh, I did something wrong tonight. First time ko gawi un.

Ano? 

Krimen. I stole a cup from a coffee shop. 

Bad ka. 

I know. Hindi na mauulit. 

Huwebes, Hulyo 30, 2015

Conversation With Myself : Bantay-Sarado

Pagod ka sa work today noh? 

OO. Grabe, 8 hours ako ngayon. Haha.

Sipag ha. 

Eh kasi, bantay-sarado na kahit online job lng ako.
May time-tracking software na na pinapagamit ang
management.

O, edi good for you. Mapipilitan ka magwork. 

I know. Alam ko ikakatuwa mo yun e. Para ndi
ako makadaya sa work.

Syempre naman. So, magsisipag ka na
everyday? 

Wala akong choice. Pero let's do this.
Para sa ekonomiya.

At para sa bank account mo na paubos na. 

I know.

Tama na muna online shopping ha.

I'll try. But you know, I'm sad and depressed
deep inside. Kaya nagiging outlet ko ang shopping.

Hindi ka pa mayaman para gawing outlet ng depression 
ang shopping. 

Ipon and invest ka muna.

Okay. 


Miyerkules, Hulyo 29, 2015

Conversation With Myself : Death

Not so happy day, today noh?

Oo. Badtrip kasi namatay ung mga lettuce ko.
Umalis lang ako isang weekend, nagkanda-matay na sila.

Kulang sa alaga? 

Ewan ko. Baka nasobrahan sa alaga ng kasambahay namin.
Kasi 2 beses daw diligan everyday tapos nakita ko, apaw ung
tubig sa paso nung last time ko makita magdilig.

Haaay.. Paano na ngayon yan?

Bili naman ako ng mga lettuce seeds. Try pa din ng try.
Hanggang maging successful itong agri project ko.

Sige. Support kita jan. 

Naks. Nami-miss mo na kumain ng lettuce ano?

Oo. 

Ako nga din e. Hindi pa makapag-grocery kasi
wala pa budget.

Okay lang yan. 

Lunes, Hulyo 27, 2015

Conversation With Myself : Back To Normal

Halos buong araw kang tulog today, ah.. 

Oo nga e. Kaya heto, hindi makatulog ngayon.

Enjoy ang weekend escapade natin ano? 

Sobraaaaa! The best ang first-ever Mindanao trip!
Ang saya talaga.

So inspired ka na to work ulit? Back to normal na 
ang buhay. 

Kaya nga e. Day off kuno ko today, vacation leave pa din
kunwari.. Haha.. kahit it does not apply naman
sa work ko. Gaya nga ng sabi nung
sabi nung na-meet nmin sa trip, sa home-based jobs daw,
para kang naka-leave lagi.

May point sya ha. Lagi ka nga naman naka-leave.

Pero ang saya talaga sa Surigao Del Sur. Enchanted River
is so enchanting! Though not so happy ako sa mga shots ko dun.
Britania Islands, super clear din ng water and the white sand,
parang gunpowder ang texture! Everything went well sa trip, nakatipid pa
kami sa transportation expenses dahil me nakasabay
kaming isa pang group. Pero mas maenjoy ko talaga yun kung
 marunong ako mag-swim!

Magswimming lessons na kasi. 

Nasa plano ko na yan. Wag ka mag-alala.

Plano plano, hindi naman natutuloy. 

Wag ka kumontra. Mangyayari yun.

Huwebes, Hulyo 23, 2015

Conversation With Myself : Weekend Escapade

Grabe, bakit hindi ka pa natutulog?

Busy-busyhan tapos excited din. Magagalit ka nito
kasi mapupuyat ka ng sobra pero hindi
ata ako matutulog ngayon.

So seryoso kang magtatrabaho hanggang umaga 
before magprepare para sa flight mo?

Oo e. Kahit hirap akong matulog lagi, in this case,
mas mahihirapan akong gumising kesa matulog. Kaya
gising na lang ako forever. Sorry, mapapagod ka dahil sa
puyat.

Wala naman ako magagawa eh. Pero excited din ako sa
weekend escapade mo, este natin! 

OO nga e! Nature adventure na naman tayo.
At first time ko sa Mindanao, so yehey!

Sana okay ang traffic pa-airport tomorrow. 
At sana maganda ang panahon. Para hindi ka 
ma-stress maxado. 

Kaya nga e. Tapos kilig din pala kasi part 2 ng guesting
ng Lizquen tomorrow! Hihi!

Ayan na naman tayo sa fangirling mo! 

O sige na, balik tayo sa weekend trip natin!

I know it's going to be enchanting! 

Yes!! For sure yan!!



Miyerkules, Hulyo 22, 2015

Conversation With Myself: Fangirling

Oh bakit hindi ka mapakali jan? 

Eh kasi kinikilig ako dahil sa favorite kong loveteam.

Nako. Yan ka na naman sa fangirling mo sa lizquen. Mamaya ka pa
makakatulog niyan. 

Kaya nga e. Pero dapat matulog na ako ngayon kasi magguest
sila sa isang morning talk show tomorrow e.

O edi matulog ka na! At nang mawatch mo sila bukas!

Alam mo namang hirap ako matulog. Eh di xempre,
late na naman gising ko. Bka nga pati showtime, hindi ko maabutan.

Ay bahala ka nga. 

Pag ndi ako nkawatch KrisTV sa TV, me iWanTV mobile app naman.
Dun ko n lng panuodin sila. Hihi.

So kilig ka na naman? 

Oo naman! Ang tagal walang ganap ng lizquen tapos
this week, sunod-sunod. Ang touching nga nung teaser
ng KrisTV e. Dun pa lang naiiyak na ako.

Okay. 

Hindi ka naman supportive sa pagiging fangirl ko e.
Wala masyado reaction.

Eh kasi kung yang oras mo sa pagbababad sa
Lizquen, nilalaan mo sa work, mas matutuwa pa ako. 

Hello! Naka-8 hours na ako ng work for today.
Deserve ko na ang oras ko  with Liza Soberano at Enrique Gil
noh!

Okay. Nanalo na naman ang fangirl. 

Martes, Hulyo 21, 2015

Conversation With Myself : Discovery

Good job sa work mo kanina! 

By chance lang naman ung pagkahuli ko dun sa
isang writer na nagka-copy paste ng contents e.

Pero na discover mo pa din. Plagiarism kaya ung ginagawa niya.

Alam ko! After icheck ung previous stories nya,
na-discover ko, matagal na pala nya ginagawa un.
Baka hindi siya aware na mali ang ganung paraphrasing.
Well, hindi nga paraphrasing yung kanya e.

Kahit hindi nya alam, hindi pa rin yun dahilan yun noh! Sabi nga, 
"Ignorance of the law excuses no one." 

Tama. Baka lazy writer lang talaga sya.

Wag mo gagayahin yun ha. 

Tamad ako pero, sorry, hindi na ako writer ngayon e,
pano ko siya magagaya?

Wag mong gayahin ang katamaran nya, yun ang sinasabi ko! 
Avoid taking shortcuts, sa work man yan o sa buhay. 

Wow! Nag-aadvise? Anong meron? Bakit may pahabilin kang ganyan?
Aalis ka na ba?

Shongak! Basta, kelangan paghirapan mo lahat ng bagay, 
lalo na ang pagtupad sa mga goals and dreams mo.
Para laging mas rewarding ang feeling. Kasi unti-unti, 
dahan-dahan, dadating naman sila. Matagal man ang 
ipaghihintay mo, alam mo naman sa sarili mo
na worth it lahat ng hirap mo. 

Opo, boss!

Seryoso ako, noh! Please. Tama na ang katamaran. 

[July 22 ; 3:31 AM] 






Lunes, Hulyo 20, 2015

Conversation With Myself : People Always Leave

Sad ka na naman? 

Oo. May aalis na naman kasi e.

Wag kang mag-alala. Babalik pa naman yun. 

Ang sakit lang sa pakiramdam na maiiwan na naman ako.

Ganun naman talaga ang buhay diba? 

I know. Sabi nga sa One Tree Hill,
"People always leave."

Wag ka nang ma-sad. 

Mawawala din to. Alam mo naman,
it's always difficult for me to deal with separation anxiety.

I know. Andito lang ako for you ha. 

Minsan iniisip ko, what if ako na lang ang umalis?
What if, ako naman ang mang-iwan? May malulungkot
din kaya pag mawala ako sa buhay nila? Magiging
mahirap din ba for them ang pagalis ko
gaya ng palagi kong nararamdaman
pag may mga taong mahalaga for me na umaalis?

Oo naman. Syempre meron. 

Echos ka. Baka wala. Pero kung meron man, ayaw ko pa rin gawin sa kanila yun.
Ayaw kong mang-iwan.
Kahit anong mangyari, I will choose to stay.
Ayaw kong maramdaman nila ang sakit at hirap pag naiiwanan.
Mag-isa. Malungkot. Mag-isa.

[July 21 ; 3:13 AM]


Linggo, Hulyo 19, 2015

Conversation With Myself: Green Thumb

Happy ka sa agri project mo kanina? 

Oo naman kahit ang hirap magbungkal ng lupa.
Pero kabado din. Sana hindi mamatay ang mga lettuce.

Sana hindi talaga. Pati ung mint na naghihingalo na. Sana 
humaba pa ang buhay.

It's so hard when you don't have a green thumb noh?

Oo. Mukha ka tuloy trying hard sa project mo na yan. 

Eh totoo naman. I'm really trying hard na maging succesful ito.
Para mabawasan ang gastos pag naggo-grocery. Lettuce pa
lng for now. Pag yun naging succesful, isusunod ko na ang cucumber..
Tapos tomato.

Ayan ka na naman sa advanced imagination mo. Tapos magsasawa agad. 

Wag kang nega. Suporta na lang. Isusunod ko na ang minimalistic lifestyle.
Ready ka na?

Wag ako ang tanungin mo. Mas duda ako para sayo. 

Aray ko naman.

[July 20 ; 12:08 AM]




Sabado, Hulyo 18, 2015

Conversation With Myself : Online Course

In fairness, nakakaproud ang progress mo 
sa online course na kinuha mo ha. 

Oo nga e. Sana magtuloy-tuloy talaga yun.

Basta wag ka lang tatamarin. Kaya mo yan. 

Oo. Goal ka na yun. Bago matapos ang 2015,
tapos ko na ang online course na yun. Pero parang ang hirap nya e.

Tiwala lang. Achievement yun pag natapos mo. 
Pag yun talaga, successfully macomplete mo with certificate, 
officially, magiging proud na ako sayo. 

Bakit? Hindi ka ba proud sa akin?

Sa level ng katamaran mo, hindi pa, teh. 
More effort pa please. 

Kung tinutulungan mo kasi ako.

Andito naman ako palagi for you ah. Hindi mo nga lang 
ako pinapakinggan. 

Oo na. Ako na tamad. Ako na mali.

[July 19 ; 4:04 AM]




Biyernes, Hulyo 17, 2015

Conversation With Myself : Lettuce

Tutulog ka na? 

Sana. Mejo pagod ako e.

Halata nga. Late ka na nga umuwi. 

Kaya nga e. Ang takot ko pa kasi pagka-online ko,
ung HR at dung supervisor ko,
parehas pa may message sakin.
Kinakabahan ko.

Bakit naman? 

Baka tungkol sa performance ko e. Lagot ako kasi andami ko backlogs.

Ang tamad mo kasi e. 

Kaya nga. Pero bukas ko na problemahin un.
Happy ako now dahil sa biglaang roadtrip with the best friends kanina.

Enjoy ka naman? 

Syempre nman, with friends un e. It's always fun when I'm with them.
Tapos nakabili pa ko ng organic na lettuce. Sana ndi mamatay ung halaman
dito sa bahay.

Sana nga. Pero duda ako, hindi ka maxado marunong mag-alaga ng mga halaman e. 
At ng mga mahal sa buhay mo na din. 

Wow. Lettuce lang pinaguusapan ah..

Bakit? Mali ba ako? 


 [ July 18; 4:36 AM]


Huwebes, Hulyo 16, 2015

Conversation With Myself : Paano Ba Ang Magmahal

Paulit-ulit na yang kantang yan ah? LSS pa din? 

Oo e. Kaya lalo akong hindi makatulog.
Iba talaga tama sakin nitong "Paano ba ang magmahal?"

Iba nga! Rinding-rindi na nga ako e. 

I-enjoy mo na lng din kasi. Catchy ung melody nya. Tapos
ganda pa ng lyrics.

Ano ba favorite part mo sa kanta? 

Ung first verse:
Heto na naman ako, 
Nag-aabang ng bago sa istorya ko
Paulit-ulit na lang

Paulit-ulit na lang.



Bakit yan? Dahil ba lagi ka ding nag-aabang? 

Oo. 

Eh ano bang bago sa istorya mo?

Uhm, wala maxado e. Boring life, you know. 
Pero nag-enroll ako sa isang online course kanina lang. 
Does that count? 

Siguro. Excited ka ba naman? 

Konti. Pero wala ako tiwala sa sarili ko e. 
Most probably, ndi ko matatapos ung online course na yun, or
mas masaklap, ndi ko man lng masimulan. Bka wala 
ako mabasa kahit isang course material. 

Kaya mo yan. Tiwala lang. Tiyaga din teh. 
Kilala kita e. "Takaw-tingin" lang palagi.
Excited sa simula lang tapos magsasawa na agad. 

Alam ko nman. Pinagduldulan mo pa talaga sa akin, ano? 
Basta, sure ako. Ito ang bago sa istorya ko. 
Next weekend, meron ulit. Mas exciting yun, este, enchanting.

Alam ko yan. O isama mo ako ha. 

Alangan namang iwanan kita.

[July 17; 3:54 AM] 

Miyerkules, Hulyo 15, 2015

Conversation With Myself : The Breakup Playlist

Ganda ng The Breakup Playlist noh?

Oo.

Oh, gaya nung kantang LSS na LSS ka ngayon at dahilan kung bakit ndi ka makatulog, tatanungin kita: Paano ba ang magmahal?

Paano? Hindi pa ako naiinlove, alam mo yan. So ndi ako sure. Pero cguro, sa lahat ng uri ng pagmamahal, kelangan, selfless yung tao.

Hindi katulad ng ginawa ni Gino?

Oo. Pero iniisip ko, baka there's a deeper reason kung bakit ganun ka-egotistic ung character ni Piolo. May mga insecurities, ganyan.. or nasaktan ng todo before. Kaya ayaw nyang mawala ung mga bagay na kanya, na pinaghirapan nya.

Pero hindi un enough reason to be selfish diba? Tingnan mo, nagbreak tuloy cla ni Trixie. 

Oo. Hindi nga. Kaya kelangan tlaga, selfless ka when you love someone. Dapat happiness lagi nya ang iniisip mo.

Eh paano nman ung sinasabi ng iba na dapat, magtira ka din for yourself? Yung wag lang bigay ng bigay sa taong mahal mo.. 

Ah cguro kelangan may balance and alam mo lng kung hanggang saan yung kaya mong ibigay. Kasi pag ikaw mismo ang naubos, mas mahirap yun. Dahil hindi ka lng mawawalan ng pagmamahal para sa ibang tao, pati sa sarili mo, mauubusan ka din.

Tama. Lalim natin ngayon ah. 

Ang gwapo kasi ni Piolo Pascual e. Ang ganda nung mga kanta. Ang galing ng acting ni Sarah Geronimo lalo na ung confrontation scene nila ni Piolo. Ang ganda ng cinematography. Galing ng storytelling, ng script, lalo na.

Papanuodin mo ulit? 

Pag may chance. :)

[July 16; 1:44 AM]

Martes, Hulyo 14, 2015

Conversation With Myself : Pretending To Not Feel Alone

Hindi ka na nman makatulog? 

Hindi ka na nasanay.

Ano na naman ang tumatakbo sa isip mo?

Madami e. Pero me isang makulit, pasulpot sulpot sa utak ko.

Ano? 

Lyrics ng kantang ndi ko man lang maresearch kung ano ang title pero parang opening music sya dun sa tv series na pinapanuod ko.

Anong sabi ba nung kanta?

"Pretending to not feel alone."

Ay. Natamaan ka ano? Nakakarelate? 

Oo. Kaya cguro may kirot sa puso. At ayaw umalis sa utak ko.

Ang drama mo kasi. 

Alam ko. Pero hindi. Baka LSS lng. Maganda din melody e.

[July 15; 2:25 AM]


Lunes, Hulyo 13, 2015

Conversation with Myself : Ang Bukas

O kamusta ka? 

Okay lang

Malungkot? 

Ndi nman.

Mag-isa? 

Lagi nman e. 

Bkit ndi ka n nman mkatulog? 

Kasi nakakatakot ang bukas. 

Bakit? Ano bng meron bukas? 

Wala. Yung katulad lang ng ngayon. 

Bakit? Ayaw mo ba ng ngayon? 

...
 [July 14;  1:42 AM ]