Miyerkules, Agosto 26, 2015

Tula : Oo, Sayo!

Oo. Galit ako sayo.
Pero hindi mo alam,
Kasi ayaw kong ipaalam
Dahil ayaw kitang masaktan.

Oo. Galit na galit ako sayo.
Kasi nung panahon na kelangan kita,
wala ka.
Kinampihan mo sya.

Oo. Galit na galit na galit ako sayo.
Hindi ko alam kung mailalabas ko pa to
Dapat, pero ayaw ko.
Dahil ayaw kong may magbago.

Oo. Sayo. Galit ako sayo.
Dahil hanggang ngayon,
ang sakit pa rin sa loob ko.
Pero okay na to.
Ung parang okay lang ang lahat sayo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento