Linggo, Agosto 30, 2015

Conversation With Myself : Early Bird

Maaga pa ko tom kaya dapat sleeping 
na ako now e. 

O edi matulog ka na.. 

Eh diba nga, hirap ako matulog..
11 pm pa nga ako ready magsleep e. 

Pilitin mo sarili mo matulog.
Mahirapan ka pa magising tomorrow 
nyan. 

Kaya nga e. Excited ako tomorrow. 
Sana maganda mapuntahan namin na falls sa
Laguna. 

Ako din excited na. Kaya matulog ka na. 

Huwebes, Agosto 27, 2015

A Very Short Story : Tulay

Nakita ko sya, nakadipa ang mga kamay
na parang isang ibong payapang lumilipad.
Nilapitan ko siya.

"Hello," kalmado kong sinambit.

"Hi," kabado niyang sagot na waring nagtataka kung bakit
ako lumapit sa kanya.

"Kamusta?" tanong ko.

"Okay lang," sagot niya

"Gusto mo ng kausap?" tinanong ko siya.

Hindi siya makasagot. Waring nag-iisip.
"Ayaw. Ewan. Hindi ko alam," imik niya.

"Halika," sabi ko pagkatapos kong humakbang
isang beses papalapit sa kanya.

"Saan?" tugon niya.

"Kahit saan. Basta malayo dito.
Yung ikaw at ako lang. Maguusap.
Hindi kita kilala. Pero makikinig ako.
Kahit ano pa yan. Kahit abutin tayo ng buong
magdamag."

Hindi siya umiimik.

Dahan-dahan, humakbang akong muli
papalapit sa kanya. Nilapit ang aking isang kamay
sa kanya. "O ano, tara na?"








Miyerkules, Agosto 26, 2015

Tula : Oo, Sayo!

Oo. Galit ako sayo.
Pero hindi mo alam,
Kasi ayaw kong ipaalam
Dahil ayaw kitang masaktan.

Oo. Galit na galit ako sayo.
Kasi nung panahon na kelangan kita,
wala ka.
Kinampihan mo sya.

Oo. Galit na galit na galit ako sayo.
Hindi ko alam kung mailalabas ko pa to
Dapat, pero ayaw ko.
Dahil ayaw kong may magbago.

Oo. Sayo. Galit ako sayo.
Dahil hanggang ngayon,
ang sakit pa rin sa loob ko.
Pero okay na to.
Ung parang okay lang ang lahat sayo.

Martes, Agosto 25, 2015

Conversation With Myself : Blocked

Okay. I'm excited for a business venture I'm having
with my friend.

Naks. Negosyante.

Hihi. Sana magbloom ito.
Para hindi naman lugi hehe..

Kaya nyo yan.

Sana makisama din ang Instagram.
Konti pa followers e. Tapos 2 times
na nablock kanina.

Ayan, excited kasi ata sa pagpopost at add ng
followers.

Mejo. Hihi.


Linggo, Agosto 23, 2015

Conversation With Myself : Inside Out

Nagwatch ako Inside Out kanina.
Ang ganda, ang galing ng concept.
Naiyak ako actually.

Awww. So ano mga takeaway mo 
sa movie? 

Madami. Every emotion plays a big
part sa life natin. Kahit ung sa tingin mo
negative emotions na dapat iwasan,
like sadness, you still need it.
Dahil sa buhay, ndi naman pdeng puro
saya lang tlga. There will always be
some down moments. khit ano pang pilit
ni Joy to make one's life happy,
sometimes, Sadness has to reign over din.
Kelangan lng, one knows how to handle it well,
how to seek comfort from people or things
you love para in the end, you will be able to
get through sadness with a happy heart.
Ung ndi ka malulugmok sa depression or hatred
or any other negative feelings and thinkings that
will make your life way worse.

Naks, tindi ng mga epiphanies natin sa movie na 
yan ha. 

Kaya nga e. Favorite animated movie for 2015 by far.
Hihi.

Biyernes, Agosto 21, 2015

Conversation With Myself: Drunk

Nag-inom ako kanina, Haha.

O alam ko na kung bakit nakakatawa. 
Feeling mo nalasing ka sa kakaunting alak na 
ininom mo ano? 

Oo haha. Sumakit ulo ko. 1/5 nung Red Horse
na malaki?

Alam ko kung gano kaunti yun. 
Wag mo nang i-explain.

Hanggang ngaun, parang ang sakit pa din ng
ulo ko. Alam mo, ndi sanay uminom.
O baka dahil antok lang ako.

O sya, matulog ka na nang mawala na yang tama mo, kuno.
Galing mo nagdrive ka pa after. 
Buti nakauwi ka nang ligtas kanina.

Haha.


Miyerkules, Agosto 19, 2015

Conversation With Myself : All Of Me

Nawatch ko ung trailer ng All Of Me teleserye ni JM.

Maganda? 

Interesting sya actually.

So iwawatch mo? 

Depende sa kabusyhan ko. Ung OTWOL
pa nga lang, hirap na ako habulin.

Laki ng problema mo teh. 

Haha. Sorry naman.
Oxa, antok na ako. Late na ko
natapos sa work kasi puro break time ako
kanina. Nagdinner din kasi sa labas ang family.

Wow. Sana naman makatulog ka agad. 

Sana nga.

Martes, Agosto 18, 2015

Conversation With Myself : Generosity

Mejo nainis ako kanina.

Bakit? 

Eh minsan kasi, sa sobrang pagiging generous ng
isang tao, naabuso na sya. Nakakainis lang din
ung mga tao na sobra namang makahingi. Akala
mo kung sinong kamag-anak sila.
Haaay nakakabadtrip lang.

Hayaan mo na.  Iblessed naman ni Lord ang mga taong
ganyan ka-generous. 

Oo nga. Ano pa bang mangyayari. Kakapit ka na lng
din sa biyaya ng Diyos na sa lahat ng kabutihan na ginawa,
may mabuti ring babalik sa iyo.

O sya wag ka na mainis. Hindi ka na naman makakatulog nyan. 

Hay sa dami ng galit ko sa society, sasama pa to.

Lunes, Agosto 17, 2015

Conversation With Myself : One More Chance

Shocks! Ang hirap makatulog.

Bakit na naman? 

Kasi naexcite ako sa sequel ng One More Chance.

Ay patay tayo jan. 

Nakakainis. Three times ko na napanuod ung teaser.
Grabe, nakakaexcite tlaga.

Oo na. Ikaw na excited. 

Iniisip ko nung una, ndi na kelangan ng One More
Chance ng sequel. okay na e. Pero nung napanuod ko
ung teaser, shet, naintriga ako. Haaay, kelan kaya
ipapalabas un?

Malapit na yan. Wag ka magalala. kaya matulog ka na.

Oo na. Cge na. Itutulog ko na to.

Sabado, Agosto 15, 2015

Conversation With Myself : OTWOL

Antok na ako. 

Tulog na. 

Eh lumalaban n naman ang utak ko e. 

Ano na naman iniisip? 

Iba-iba. Minsan tungkol sa kinabukasan, 
ung iba walang kwenta. 

Sabihin mo sa antok mo, 
labanan din ang utak mo. Wala
naman palang kwenta mga iniisip, 
ayaw pa papanaluhin ang antok mo. 

Ay nakakaexcite pala ang OTWOL. 

Wow, makarandom ka naman jan ng topic. 

Kakawatch ko lng kasi kanina ng episode 
for friday. 

O anong ganap? 

Basta, ikakasal na sila next week. Hihi. 

Sus, yang kilig na yan, baka lumaban din yan sa antok mo 
ha.. Lalo ka na ndi makatulog.

Hindi ko na nga maxado iniisip ung OTWOL e. Para iwas 
kilig. 

Mabuti naman. 



Biyernes, Agosto 14, 2015

Conversation With Myself: Almost

Grabe kanina, muntik na akong umiyak.

Alam ko. Buti napigilan pa natin kahit papano.
Actually, umiiyak ka na e. Napigilan mo lang
ang sarili mo humagulhol. Pero ramdam kita kanina. 

Kaya nga e. Salamat sa pagpigil.
Ayaw kong umiyak sa harap nila.
Pero alam mo ang struggle ko
pag kasama sila. Ang hirap. Yung mahal mo
pero may tampo/galit/hinanakit ka sa kanila.
Na hindi nila alam. At dahil ayaw mo
silang masaktan pag sinabi mo,
kikimkimin mo na lang. Kahit ikaw na
lang ang araw araw na nasasaktan
pag nakikita mo sila. Kasi sa tuwing nakikita mo
sila, ung sakit ung naalala mo, un lang ung nararamdaman mo.

Sige, ilabas mo yan.. Kahit dito na lang muna. 
Pero sana, may isang araw, isang tamang panahon 
na darating kung saan masasabi mo nang lahat. 
Kasi ayoko pag ganyan ka. Ayoko pag nasasaktan ka. 

Hay. Ewan ko. Minsan iniisip ko na ibaon na lng to
sa libingan. Dahil hindi ko talaga alam ang mangyayari
pag sinabi ko to sa kanila. Dahil ayaw ko silang
masaktan dahil sakin,

May tamang panahon para sa lahat. Hintayin natin.


Huwebes, Agosto 13, 2015

Conversation With Myself : Business Opportunity

Sana matuloy ung business plans namin nung friend ko. 

Oh sana naman nga. 

Haaay, kung marami lang akong pang-kapital, andami ko
na siguro business ngayon.

I know right! Punong-puno kaya ang utak 
mo ng mga business ideas. 

Kaya nga e. 

Minsan, napupuyat ka pa sa sobrang pag-iimagine ng 
mga potential businesses mo. 

Haha. Sorry alam ko inis ka pag todo na naman ako 
maka-imagine tapos napupuyat ka. Pero ang saya e.
Lalo na pag nagiisip ng business names. 

I know right! Active na active utak mo pag ganun, tapos ako, 
pagod na pagod.. 

Sorry nman. Hayaan mo, pag natuloy ang business plans, 
ililibre kita.

Tse! Ikaw lang din makikinabang sa libre na yan! 

Haha. 

Miyerkules, Agosto 12, 2015

Conversation With Myself : On The Wings Of Love

Haay, sa wakas, napanuod ko na din
ung first two episodes ng
On The Wings of Love nina James
Reid at Nadine Lustre.

Kilig ka? 

Konti. Hihi. Lalo dun sa first time nila
magmeet sa San Francisco.
Pero besides kilig, ang tumatak sa akin ay
yung phrase na "mapagpalayang pag-ibig."
The best yun kasi yun ata ang isa sa mga
pinakadakilang uri ng pagmamahal.

Naks. Me mga ganyan kang mga linya ha.

Ang ganda e. Ang sarap sa tenga pakinggan.
Ang gandang parirala. Basta, ang ganda.

Eh di ikaw na ang gandang-ganda sa 
"mapagpalayang pag-ibig." 

Tapos meron pa, ung line na
"Kung mahal ka, babalikan ka."

Ay grabe, in love ka ba? Bkit puro ka ganyan? 

Syempre ndi ako in love. Malungkot ako.
Mag-isa. At nagdadrama. Pero ngayong gabi lang to.
Alam mo naman tayo, bukas, happy na ulit.

Sus, happy daw. Nagkukunwari ka lang e. 

Eh di ba, sabi nila, happiness is a choice.
So im choosing to be happy.

Go. Sabi mo e. push mo yan. 



Martes, Agosto 11, 2015

Conversation With Myself : Banco De Oro

Sira work schedule ko kanina. Huhu.

Oo nga. Less than 5 hours lng ang na-work mo e. 

Kaya nga e. Kasi ang dami kong errands kanina,
napagod ang lola mo.

Pagod na pagod. 3 hours kaya ung nap mo after. 

Sa lahat ng errands ko kanina, pinaka-hate ko
ang pagpila sa BDO. Leche. Magdedeposit
lang ako, a transaction na 1-2 mins, tapos na.
Pero ung pagpila mo, aabutin ng forever.

Chillax ka lang. Wag magalit sa BDO.

Hay nako. Namumuro na sa akin ang Banco De Oro
na yan. Kaya nakakatamad magdeposit sa account ko
minsan e. Kasi wagas muna ang pangangalay mo,
nakatayo ng matagal, bago makapagdeposit mismo.
Ipapaclose ko na ung account ko. Konti na lang talaga.

Grabe naman. Ipapa-close agad. 

Seryoso ako. Buti sana kung may paupuan man lang ang BDO na yan e.
Kaso wala.. Nakatayo ka forever!

O sya. Tama na ang galit na yan. Baka 
hindi ka na naman makatulog. Antok na ko. 

Sumosobra na kasi tlga sila. Ang bagal ng serbisyo.
Pero rerelax na ako. Baka ikaw naman magalit sakin e.

Tama. Tulog na tayo. 

Lunes, Agosto 10, 2015

Conversation With Myself : Booked!

Naeexcite ako sa mga upcoming travels ko. Kaya
ang hirap na naman matulog. May nabook ako bagong
trip kanina.

Hay nako. Anlalayo pa naman ng mga schedule 
kaya nung mga trips mo. Itulog mo muna yan. 

Ang nega mo naman.

Gusto ko na kasi matulog. O diba, ang dami 
mo pa errands tomorrow?

Oo nga e. Kaso nga, ndi pa rin ako makatulog agad.
Puyat na naman.

Ipikit mo lng ang mata mo at wag maxado 
patakbuhin ang utak mo. Relax nang makatulog na. 
Mag-iisip ka na naman ng mag-iisip. 

Wow. Parang galit ka na.

Hindi naman. Pagod lang. Sakit sa mata 
ang matagal nakaharap sa computer talaga. 

Sorry na. Sige. Tutulog na ako. I'll try tlaga.

Go. Tama na ang pag-a-Ipad. 

Linggo, Agosto 9, 2015

Conversation With Myself : Shake Shake Fries

Gusto ko na matulog..

Ako din. 

Sorry ha. Active na active pa utak ko.
Dahil ata sa coke float na inorder ko kanina.

Malamang. Sugar rush na naman yan.

Pasensya na nga.. Ung isang friend ko kasi,
biglaan nagyaya mag shake shake fries daw
sa Mcdo.

Okay lng yun. Nabusog naman tayo e. 

Oo nga. Pero kasi, dapat matulog na ako
para maaga gising tomorrow. Madami pa
errands to do.

O sya.. Pilitin mo na matulog. 

Ang hirap....

Bilang ka ng sheep.

Not effective.

Hay bahala ka na nga. Matulog na! 

Try ko po.

Sabado, Agosto 8, 2015

Conversation With Myself : Remedy

Ui congrats ha. Natapos mo lahat ng work tasks mo
for this week. 

Salamat. hihi. Sipag ko noh?

Minsan, tinotopak ka din ng kasipagan eh. 
Good job. 

Syempre. Alam mo na, ganyan pag depress,
pag you feel alone, you focus on work na lang.

Ay magdadrama na naman? 

Hindi naman. Ayokong naapektuhan ka, kaya
happy lang dapat.

Pero kung malungkot ka, sige lang, ishare mo. 

Hindi okay na ako. May nakita akong hugot
quote from Anne Frank. Sapul na naman tayo e.
Kaya pala these days, lagi kong gusto ng adventure.
Kaso wala naman ako maisama.
So focus na lng tlga sa work.

Ano ba yung quote?

From Anne Frank:
“The best remedy for those who are afraid,

 lonely or unhappy is to go outside,

 somewhere where they can be quiet, alone

 with the heavens, nature and God.

 Because only then does one feel that all 

is as it should be.”


Ay sapul nga. 

Biyernes, Agosto 7, 2015

Conversation With Myself : Worried

Hindi nagrereply ung friend ko.

Bakit? Ano bang tinext mo? 

I was asking her what's wrong. Kasi may
hugot post siya sa IG nya e.

Baka naman basta naisipan lang ipost. 
Walang dahilan. Ganun. 

Hindi. Kilala ko yun.
Hindi yun basta-basta nagpopost sa Instagram
o sa kahit anong social media site.

Ay baka may something nga.

Kaya nga nagwoworry ako.
I hope she's fine. Buntis pa man din un
at malapit ng manganak.

Okay lang sya. Ramdam ko, iiwasan nyang mastress
for her baby. So relax ka lang. 

Sana, sana talaga okay lang sya.
Baka kasi nalulungkot.
Pero sana hindi. I hope she's happy.

Sana. 

Huwebes, Agosto 6, 2015

Conversation With Myself : Progress

Wow. Maaga ata tayo natapos sa mga tasks natid today ah? 

Oo nga e. Or dahil maaga lng akong nagising?

Mas productive kasi talaga pag maaga bumabangon.

I know. Biruin mo, ung 12 noon na regular gising ko,
11 am kanina.

Wow! Congrats ha. Achievement? 

Slight. Haha. Oi wag ka, umaabante na ako dun sa
online course ko.

Wow ulit for progress. Keep it up, teh! 

Sana talaga, matapos ko eto. From Week 0 ng course,
Week 1 na ako. Haha.

Kaloka. Kung makaabante ka, akala mo naman, madami 
na talaga nagawa.  Week 0 to Week 1 k pa lang pala. 

Oo. Tapos ung Project 0, ndi ko pa
nasisimulan.

Tapos proud ka na nyan? 

Mejo. Kasi, natapos ko iwatch ung lecture na almost an hour long,
and narealize ko, naenjoy ko sya panuodin. At parang
naexcite pa ako to learn more.

Ay good sign yan. Mukhang magkaka-progress ka nga 
dyan. 

I know right. Fingers crossed.


Miyerkules, Agosto 5, 2015

Conversation With Myself : Athazagoraphobia

I learned a new word today.

Ano yun? 

Athazagoraphobia

Wow. Anong meaning nyan? 

"the fear of being forgotten, ignored, or replaced" daw. 

Oh. So tagos na naman sa puso 
nung nalaman mo ung meaning ng word, ano? 

Oo. Alam mo naman, isa yan sa mga takot ko sa buhay.
Pero more than being forgotten,ang ayaw ko lang naman talaga
ay yung feeling na ma-ignore.

Dahil ayaw mo ng rejection? 

Oo. Dahil takot ako sa pakiramdam
ng narereject, Ang sakit, teh.

Alam ko. Dahil lahat ng sakit, tinatago
mo lang sakin. Hindi mo nilalabas.

Kasi mas okay na ikaw lang nakakaalam.
Ayokong malaman ng ibang tao, kasi
baka ma-ignore lang ako, ma-reject.
Pano kung wala naman silang pakialam sakin?
Eh di mas nasaktan pa ako?

Okay. So ang sakit, sa atin lang. 
Pag happiness, ishare sa iba. 

For now, ganun muna. Okay ka pa naman, diba?

Siguro. Okay pa ata. 

Martes, Agosto 4, 2015

Conversation With Myself : Shopping

Ui, good mood ah.

Oo. Kasi sa wakas, na-ship na daw ung items na
binili ko sa abs-cbn store.

Ano na naman yang shopping na yan? 

Wala naman, Forevermore DVDs lng at ung One More
Chance novel. Hihi

Gastos na naman.

Eh sabi kaya, "never be sorry for spending money on
things you love."

Palusot ka pa..

Pero sure na, unti-unti na lng ang shopping ngayon..
Tipid mode na para makaipon.

Dapat lang. Dami mong gastos lately.

Wala naman masyado. At minsan lang ako lumabas ng
bahay diba? 

Oo na sige na, ipagtanggol ang tipid mong lifestyle.

Sadya. Proud kaya ako dun. Pero me ititipid pa un e.

O eh di simulan mo na ang mas matipid na lifestyle.

Soon.

Lunes, Agosto 3, 2015

Conversation With Myself : Overtime

Wow ha, ang dami mong work kanina. 
Super proud ako sayo.

Ako din, proud. 9 hours na nawowork ko for this week,
Hihi. first time, overtime,

Magandang simula sa week yan. 
Idiretso mo na hanggang Friday ha. 

Yan plano. Basta wag kokontrahin ng katamaran.

Please, wag nga, 

Pero naiinis ako.. Walang usad ung online course ko.

Kahit unti-untiin mo lng un. 
Basta wag mong susukuan. 

Try ko. Andami-dami kasing goals e. Hindi
kasya sa isang araw lahat,

Hindi nga. Meron ka pang isang secret goal this year, di ba? 

I know. Bahala na. Basta, dapat kahit isa, may isa akong
goal na ma-achieve this year.

Good luck. 


Sabado, Agosto 1, 2015

Conversation With Myself : Goodbye

Naiyak ka kanina ah..

Oo. Grabe kasi ung NingNing. Nagwatch ako sa iWanTV
kanina.

Bakit? Madrama ba? 

Oo. Pero ang totoo kasi, ung episode nila nung
last Friday, mostly about goodbye.. Eh alam mo naman
kahinaan ko ang mga goodbye scenes, tapos may bata pa na
involved.

I know. Kung kayang iwasan mag-goodbye sa isang tao, 
alam ko gagawin mo yun. 

Kaya nga. I really can't handle mga goodbye scenes sa
mga movies man, tv shows or sa personal na buhay. I think dun ako
most vulnerable. And you know me, I don't like showing
people my vulnerability.

Sorry naman daw, sabi ni NingNing, kung pinaiyak ka nya. 

Pero maganda ung tv series. Enjoy ako, so far.