Miyerkules, Agosto 5, 2015

Conversation With Myself : Athazagoraphobia

I learned a new word today.

Ano yun? 

Athazagoraphobia

Wow. Anong meaning nyan? 

"the fear of being forgotten, ignored, or replaced" daw. 

Oh. So tagos na naman sa puso 
nung nalaman mo ung meaning ng word, ano? 

Oo. Alam mo naman, isa yan sa mga takot ko sa buhay.
Pero more than being forgotten,ang ayaw ko lang naman talaga
ay yung feeling na ma-ignore.

Dahil ayaw mo ng rejection? 

Oo. Dahil takot ako sa pakiramdam
ng narereject, Ang sakit, teh.

Alam ko. Dahil lahat ng sakit, tinatago
mo lang sakin. Hindi mo nilalabas.

Kasi mas okay na ikaw lang nakakaalam.
Ayokong malaman ng ibang tao, kasi
baka ma-ignore lang ako, ma-reject.
Pano kung wala naman silang pakialam sakin?
Eh di mas nasaktan pa ako?

Okay. So ang sakit, sa atin lang. 
Pag happiness, ishare sa iba. 

For now, ganun muna. Okay ka pa naman, diba?

Siguro. Okay pa ata. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento