Martes, Agosto 11, 2015

Conversation With Myself : Banco De Oro

Sira work schedule ko kanina. Huhu.

Oo nga. Less than 5 hours lng ang na-work mo e. 

Kaya nga e. Kasi ang dami kong errands kanina,
napagod ang lola mo.

Pagod na pagod. 3 hours kaya ung nap mo after. 

Sa lahat ng errands ko kanina, pinaka-hate ko
ang pagpila sa BDO. Leche. Magdedeposit
lang ako, a transaction na 1-2 mins, tapos na.
Pero ung pagpila mo, aabutin ng forever.

Chillax ka lang. Wag magalit sa BDO.

Hay nako. Namumuro na sa akin ang Banco De Oro
na yan. Kaya nakakatamad magdeposit sa account ko
minsan e. Kasi wagas muna ang pangangalay mo,
nakatayo ng matagal, bago makapagdeposit mismo.
Ipapaclose ko na ung account ko. Konti na lang talaga.

Grabe naman. Ipapa-close agad. 

Seryoso ako. Buti sana kung may paupuan man lang ang BDO na yan e.
Kaso wala.. Nakatayo ka forever!

O sya. Tama na ang galit na yan. Baka 
hindi ka na naman makatulog. Antok na ko. 

Sumosobra na kasi tlga sila. Ang bagal ng serbisyo.
Pero rerelax na ako. Baka ikaw naman magalit sakin e.

Tama. Tulog na tayo. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento