Miyerkules, Agosto 12, 2015

Conversation With Myself : On The Wings Of Love

Haay, sa wakas, napanuod ko na din
ung first two episodes ng
On The Wings of Love nina James
Reid at Nadine Lustre.

Kilig ka? 

Konti. Hihi. Lalo dun sa first time nila
magmeet sa San Francisco.
Pero besides kilig, ang tumatak sa akin ay
yung phrase na "mapagpalayang pag-ibig."
The best yun kasi yun ata ang isa sa mga
pinakadakilang uri ng pagmamahal.

Naks. Me mga ganyan kang mga linya ha.

Ang ganda e. Ang sarap sa tenga pakinggan.
Ang gandang parirala. Basta, ang ganda.

Eh di ikaw na ang gandang-ganda sa 
"mapagpalayang pag-ibig." 

Tapos meron pa, ung line na
"Kung mahal ka, babalikan ka."

Ay grabe, in love ka ba? Bkit puro ka ganyan? 

Syempre ndi ako in love. Malungkot ako.
Mag-isa. At nagdadrama. Pero ngayong gabi lang to.
Alam mo naman tayo, bukas, happy na ulit.

Sus, happy daw. Nagkukunwari ka lang e. 

Eh di ba, sabi nila, happiness is a choice.
So im choosing to be happy.

Go. Sabi mo e. push mo yan. 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento