Huwebes, Agosto 27, 2015

A Very Short Story : Tulay

Nakita ko sya, nakadipa ang mga kamay
na parang isang ibong payapang lumilipad.
Nilapitan ko siya.

"Hello," kalmado kong sinambit.

"Hi," kabado niyang sagot na waring nagtataka kung bakit
ako lumapit sa kanya.

"Kamusta?" tanong ko.

"Okay lang," sagot niya

"Gusto mo ng kausap?" tinanong ko siya.

Hindi siya makasagot. Waring nag-iisip.
"Ayaw. Ewan. Hindi ko alam," imik niya.

"Halika," sabi ko pagkatapos kong humakbang
isang beses papalapit sa kanya.

"Saan?" tugon niya.

"Kahit saan. Basta malayo dito.
Yung ikaw at ako lang. Maguusap.
Hindi kita kilala. Pero makikinig ako.
Kahit ano pa yan. Kahit abutin tayo ng buong
magdamag."

Hindi siya umiimik.

Dahan-dahan, humakbang akong muli
papalapit sa kanya. Nilapit ang aking isang kamay
sa kanya. "O ano, tara na?"








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento