Biyernes, Agosto 14, 2015

Conversation With Myself: Almost

Grabe kanina, muntik na akong umiyak.

Alam ko. Buti napigilan pa natin kahit papano.
Actually, umiiyak ka na e. Napigilan mo lang
ang sarili mo humagulhol. Pero ramdam kita kanina. 

Kaya nga e. Salamat sa pagpigil.
Ayaw kong umiyak sa harap nila.
Pero alam mo ang struggle ko
pag kasama sila. Ang hirap. Yung mahal mo
pero may tampo/galit/hinanakit ka sa kanila.
Na hindi nila alam. At dahil ayaw mo
silang masaktan pag sinabi mo,
kikimkimin mo na lang. Kahit ikaw na
lang ang araw araw na nasasaktan
pag nakikita mo sila. Kasi sa tuwing nakikita mo
sila, ung sakit ung naalala mo, un lang ung nararamdaman mo.

Sige, ilabas mo yan.. Kahit dito na lang muna. 
Pero sana, may isang araw, isang tamang panahon 
na darating kung saan masasabi mo nang lahat. 
Kasi ayoko pag ganyan ka. Ayoko pag nasasaktan ka. 

Hay. Ewan ko. Minsan iniisip ko na ibaon na lng to
sa libingan. Dahil hindi ko talaga alam ang mangyayari
pag sinabi ko to sa kanila. Dahil ayaw ko silang
masaktan dahil sakin,

May tamang panahon para sa lahat. Hintayin natin.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento