Biyernes, Hulyo 17, 2015

Conversation With Myself : Lettuce

Tutulog ka na? 

Sana. Mejo pagod ako e.

Halata nga. Late ka na nga umuwi. 

Kaya nga e. Ang takot ko pa kasi pagka-online ko,
ung HR at dung supervisor ko,
parehas pa may message sakin.
Kinakabahan ko.

Bakit naman? 

Baka tungkol sa performance ko e. Lagot ako kasi andami ko backlogs.

Ang tamad mo kasi e. 

Kaya nga. Pero bukas ko na problemahin un.
Happy ako now dahil sa biglaang roadtrip with the best friends kanina.

Enjoy ka naman? 

Syempre nman, with friends un e. It's always fun when I'm with them.
Tapos nakabili pa ko ng organic na lettuce. Sana ndi mamatay ung halaman
dito sa bahay.

Sana nga. Pero duda ako, hindi ka maxado marunong mag-alaga ng mga halaman e. 
At ng mga mahal sa buhay mo na din. 

Wow. Lettuce lang pinaguusapan ah..

Bakit? Mali ba ako? 


 [ July 18; 4:36 AM]


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento