Martes, Hulyo 14, 2015

Conversation With Myself : Pretending To Not Feel Alone

Hindi ka na nman makatulog? 

Hindi ka na nasanay.

Ano na naman ang tumatakbo sa isip mo?

Madami e. Pero me isang makulit, pasulpot sulpot sa utak ko.

Ano? 

Lyrics ng kantang ndi ko man lang maresearch kung ano ang title pero parang opening music sya dun sa tv series na pinapanuod ko.

Anong sabi ba nung kanta?

"Pretending to not feel alone."

Ay. Natamaan ka ano? Nakakarelate? 

Oo. Kaya cguro may kirot sa puso. At ayaw umalis sa utak ko.

Ang drama mo kasi. 

Alam ko. Pero hindi. Baka LSS lng. Maganda din melody e.

[July 15; 2:25 AM]


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento