Miyerkules, Hulyo 15, 2015

Conversation With Myself : The Breakup Playlist

Ganda ng The Breakup Playlist noh?

Oo.

Oh, gaya nung kantang LSS na LSS ka ngayon at dahilan kung bakit ndi ka makatulog, tatanungin kita: Paano ba ang magmahal?

Paano? Hindi pa ako naiinlove, alam mo yan. So ndi ako sure. Pero cguro, sa lahat ng uri ng pagmamahal, kelangan, selfless yung tao.

Hindi katulad ng ginawa ni Gino?

Oo. Pero iniisip ko, baka there's a deeper reason kung bakit ganun ka-egotistic ung character ni Piolo. May mga insecurities, ganyan.. or nasaktan ng todo before. Kaya ayaw nyang mawala ung mga bagay na kanya, na pinaghirapan nya.

Pero hindi un enough reason to be selfish diba? Tingnan mo, nagbreak tuloy cla ni Trixie. 

Oo. Hindi nga. Kaya kelangan tlaga, selfless ka when you love someone. Dapat happiness lagi nya ang iniisip mo.

Eh paano nman ung sinasabi ng iba na dapat, magtira ka din for yourself? Yung wag lang bigay ng bigay sa taong mahal mo.. 

Ah cguro kelangan may balance and alam mo lng kung hanggang saan yung kaya mong ibigay. Kasi pag ikaw mismo ang naubos, mas mahirap yun. Dahil hindi ka lng mawawalan ng pagmamahal para sa ibang tao, pati sa sarili mo, mauubusan ka din.

Tama. Lalim natin ngayon ah. 

Ang gwapo kasi ni Piolo Pascual e. Ang ganda nung mga kanta. Ang galing ng acting ni Sarah Geronimo lalo na ung confrontation scene nila ni Piolo. Ang ganda ng cinematography. Galing ng storytelling, ng script, lalo na.

Papanuodin mo ulit? 

Pag may chance. :)

[July 16; 1:44 AM]

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento