Takot ako
Sa salitang simula.
Ayoko
Ng salitang simula.
Dahil may magbabago,
May magtatapos
May mabubuo
Na mistulang gapos.
Hindi ko yata kaya
Ang magsimulang humakbang.
Patungo sa kawalang
Hindi tiyak ang hangganan.
Susulong ba
O uurong?
Ewan ko,
Bahala na.
nice poem... ;)
TumugonBurahinLalabas ako ng bahay para lang bumalik at magkulong sa kwarto,
TumugonBurahinAyaw kong makihalubilo sa mga tao,
bow 😁